_edited.png)
.png)
DESIGN YOUR PROFESSIONAL DREAM-LIFE
May 'YABANG' ka na ba?
Kung kulang pa, narito na ang kukumpleto upang tuluyang mapaniwala kang ikaw ay isang Henyo—isang nilalang na kayang maging propesyonal, may kakayahang makagawa ng malaking impact sa hanap buhay na iyong pinili.
IT'S TIME TO SHOW THE WORLD KUNG SINO KA!

Let's design your Professional Dream-Life Masterplan!
Ang mga exercises na iyong gagawin ay designed para tulungan kang pagnilayan kung sino ka talaga, ma-clarify ang mga goals mo base sa mga natutunan mo sa 'Step to Professionalism' na ating isinagawa kamakailan lang, at makabuo ng masterplan para ma-apply ang mga paraan o best practices na makakatulong sa'yo na maabot ang iyong pinapangarap na masaya at masaganang buhay. Sa buong proseso, i-eexplore natin ang iyong kakayahan, matukoy ang mga balakid, i-visualize ang dream-life mo, at sumubok ng mga bagong paraan para makamit ang iyong vision.
Bigyan mo ng oras ang bawat tanong—maging tapat ka sa iyong mga sagot at gamitin ang iyong puso at isipan. Walang tama o maling sagot, dahil ang mga responses mo ang magiging gabay mo sa pagbuo ng iyong personalized Professional Dream-Life Masterplan na tatahakin mo sa paglago at tagumpay. Simulan na natin ang iyong exciting journey patungo sa isang mas fulfilling, tunay, at empowered na propesyonal na buhay—may YABANG na nakaangkla sa KARANGALAN.


